Perfect World Philippines Clan
 
HomeFAQRegisterLog in
Rest in Peace kayuzavee

Share | 
 

 Sobrang Na Inlove Ako

Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jeyn
Administrator
avatar

Posts : 1640

PostSubject: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Apr 14, 2008 8:54 pm

sobrang na in love ako…



it’s been 4 months since I saw him and talagang namimiss ko na siya… pero what can I do? it seems that I have loved the wrong person… but still the pain keeps on hurting me and kung walang magbibigay ng gamot para dito sa nararamdaman ko… baka mamatay na ako…

to give you a background about my life, everything seems to be fine except dun sa time na dumating na sa buhay ko yung hinayupak na lalaki na yon... hehehehe… kung curious kayo about dun sa guy… bestfriend ko po yon kaso lang iba na ang nangyari sa time passes by…

classmate ko siya nung highschool, pards pa nga ang tawagan namin… o di ba ang sweet? di na ako iba sa kanya and ganon na rin siya sa akin… kung di nga lang ako naging babae baka iniuwi na ako nun sa bahay nila and baka lahat ng gawaing pang brasko eh ipagawa na nun sa kin eh...pero siyempre mukha pa rin naman akong babae noh!!!

highschool siyempre may prom… wala siyang date,

wala rin ako... I know that he wanted to invite me to be his date pero ang ogag nga kasi nun kaya the last minute tsaka lang siya nag-ask. he went to our house… naka-motor po siya and medyo pawisan pero in fairness… mabango pa rin…

he asked my permission to see my dress for the prom… siyempre para maloka siya sa akin at may konting surprise… I refuse… o sige, medyo na frustrate siya pero hindi yon naging hadlang para invite niya ako… sa ganda ko na to… siyempre ang dami namang pa-echeng… hanggang sa tanungin niya ako kung may date na ba me… e kung di ba naman siya abnormal eh… papayag ba akong makipag-date sa iba eh siya lang ang gusto ko… lam mo yon… sarap sampalin... so in short, papilit ba ako? siyempre…

the night of my life came, I was so pretty sabi ng nang-uuto kong nanay… pero naniwala lang ako nang siya na ang nagsabi… blush ako over… kahit alam kong maganda ako since birth (hehehehe) iba pa rin yung sa kanya galing di ba? we enjoyed that night and lalo ko lang napatunayan sa sarili ko na mahal ko na pala ang hinayupak na bestfriend ko…

syempre ano pa ba ang sunod na event sa prom kundi ang graduation na di ba? the night before the graduation, we talked on the phone na para bang it would be the last time na maririnig namin ang boses ng isa’t-isa… I’ve waited for the moment na mabanggit niya na may feelings din siya and hindi naman ako nagkamali… tinanong niya ako kung may possibility daw na maging kami… I know na maiinis kayo sa kin dahil alam niyo ba ang sagot ko? ah, eh… hindi pwede kasi bestfriends tayo eh… yung mga anak na lang natin yung ipag-partner natin… sa isip-isip ko… ang tanga! pano ko nasabi ang ganong words? pero wala na akong magagawa… alangan namang bawiin ko pa eh di nahuli naman ako di ba? pero ang tanga ko talaga!

siyempre college na… I’m so proud to say na napunta naman ako sa magandang school and take note… pareho kami ng school… ano to? kailangan bang ituloy ang naudlot na pagmamahalan namin?... hehehehe…

nagka-boyfriend ako for a year and a half… minahal ko siya pero there are these conflicts and problems na di na kayang ayusin… in short… nag-break kami…

I guess God meant that to happen kasi yun din yung time na nagkita kami ng bestfriend ko… sa sobrang miss namin ang isa’t-isa… sabay na kaming umuwi, kumain, pumasok… I’m happy pero parang lalo ko lang pinahihirapan ang sarili ko dahil my feelings for that guy grows each and everytime that we are together… buti na lang magaling akong magtago at magpigil… hehehe… bilib kayo noh?...

one morning, I’m so busy preparing my project that would be pass on that same day… alam kong dumating na siya at nasa likuran ko na ang mokong pero dahil sobrang pressure sa project… gusto ko man siyang dambahan… syempre mamayang gabi na lang di ba? hehehe… di ko siya masyadong napansin… may binigay siyang sulat sa kin and he asked me if I can join him sa lunch… I said yes… then umalis siya… alam naman kasi niyang I’m busy…

when I was about to enter the room, somebody bumped me and my precious project fell… gusto ko mang magalit… what can I do di ba? instead I ask my prof to give me another chance to do my project… naalala ko si mokong… the lunch date… kinuha ko ang cell ko to text him that I can’t come to our meeting… e kaso… pag tinamaan ka nga naman ng malas… check operator services daw… I tries to look for friends or other kakilala pero malas that day talaga…

and so I took my lunch all by my self… naalala ko yung letter… hinanap ko sa bag… WALA!!! bumalik me sa corridor praying na andon pa yung sulat… wala rin… God! why? minsan lang magbigay ng sulat yon… nawala pa... don’t know how to tell him about the letter…

and so days and weeks passed, nagkikita kami… di niya ako pinapansin… ako, I tried to talk to him pero alam kong may kasalanan ako pero ganon ba kalaki ang nagawa kong di pagpunta at ganon na lang ang iwas niya?... sige… hinayaan ko na lang…

months na ang binilang… I heard that he was dating a girl from the same school that we are in… masakit… na sa iba ko pa narinig na sila na… mas masakit na wala na akong halaga sa kanya…

basta ilang din yun na ganon ang nararamdaman ko… weeks… months… ga-graduate na po ako… I wonder what’s instore for me in my last day in school… and so I thought na puntahan yung favorite hang-out namin… when I was about to get near the place… I saw him… with the girl… umiiyak ang bruha but I can’t hear what they are talking about… so I’ve decided to get out of that place before my tears burst out… and then a common friend ang sumalubong sa akin… saying na buntis ang girl… syempre… durog na durog ang puso ko… kung kaya niyo lang ma-imagine yung nararamdaman ko…

the night of that same day… naloka ang lola niyo… nagparamdam ang mokong pagkaraan ng pag-katagal-tagal na panahon… I thought it was something good for me… for us… pero I was wrong… so wrong… he gave me a wedding invitation and isa ako sa bridesmaids… the girl… she was waiting in the car… o di ba? dati motor lang ngayon… car na…

and so the wedding came… maganda po ako nun… sabi ng nanay ko pero wala ng nag-second the motion eh… so naniwala na lang ako sa nanay ko… then, there was this professor who came to see me… he handed over a letter with my name carefully printed on the enveloped… he said that he looked for the owner of that letter kaso nga lang po malaki ang school namin kaya mahirap magkahanapan di ba? and so nung nakita niya ang name ko sa invitation, he decided to bring the letter thinking that it could save souls… daw…

and so I was about to open the letter when the priest ask kung sino daw ang tutol… dedma ako… alangan namang manggulo pa ako noh…

binasa ko na ang letter… nakaka-touch po talaga… he opened up his feeling for me… hoping na meron din daw akong feelings for him… he ask that if I will show up to our hang-out the next day after he gave his letter, then it means that I also have feelings for him and that he would love me for the rest of our lives… but if I won’t… then he will never open that topic again… he pleaded to me na sana pumunta ako…

if only I have that letter… if only I knew about it… kung di lang sana ako clumsy and careless to keep that letter… things would be different… if only…

and so I heard the priest announced the couple as husband and wife… ang sakit…

picture taking... gusto mang sumabog ng nararamdaman ko… as you know… magaling akong magpigil… pero masakit po talaga… sobra…

after the picture taking… niyakap ako ng bestfriend ko… ang higpit… and teary eyed niyang sinabi na…

I still love you…

Note: di po ako gumawa nito... nabasa ko lang sa isang school magazine :D

__________________________________________


Last edited by Jeyn on Sat Apr 11, 2009 10:22 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
Jhaemhie
The Obtruncator
avatar

Posts : 495

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Apr 14, 2008 9:19 pm

i have read na this story so many times.,but still.,it still makes me want to cry over and over again., o36
Back to top Go down
Levantine
The Navigator
avatar

Posts : 57

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Apr 14, 2008 10:43 pm

wow... this one's kind of odd... but never the less interesting...

haha just dropped by to check on you!! pw1

PS: Nursing Review can kill you...

PPS: I don't think I could still go on...

PPPS: The real world is so cruel...

pw36 pw11
Back to top Go down
Arshtat
The Master


Posts : 313

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Apr 14, 2008 10:53 pm

awww ouch naman to... o43
Back to top Go down
Blue
The Master
avatar

Posts : 175

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Apr 14, 2008 11:22 pm

nakakatuwa talaga ang mga tao sa earth

nasa huli lagi ang pag sisisi

_________________________

eto lang ang maipapayo ko

let's say di man maging kayo

mag thanx ka na rin dahil naging

part siya ng buhay mu.....

hindi naman masama ang magmahal..

sa totoo nga eh

para sa kin

mas nag bibigay pa ito ng lakas ng loob para mabuhay

siguro....

may mas karapat dapat na tao na nakalaan para sa iyo at

alam naman natin na kahit maging kayu

di natin sure na magiging kau talaga eh

am i right....

o kung di man

lets say na trial lang to ng nasa taas

para malaman kung kaya niyong ipagpatuloy ang kwento niyung dalawa....

heheheh hindi naman natin masasabi ang future di ba????

kaya na sasa inyu yan kung panu mu tatappusin ang kwento....


dont worry nanditu naman kami

family mu ditu sa sanctius

heheh nakikinig lang and ready to support you always.... pw42 pw42 pw42 b25 b25 b25
Back to top Go down
chiken
The Guardian
avatar

Posts : 140

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Apr 15, 2008 12:10 am

Guillotine? m4
Back to top Go down
Guest
Guest



PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Apr 15, 2008 12:27 am

ang drama pero touching...kawawa naman ung pinakasalan nya...tapos sasabihan ng i still love u ung isa, namamangka sa 2 ilog unfair ata un...dapat nde na lang sya nagpakasal. pw14
Back to top Go down
Jhaemhie
The Obtruncator
avatar

Posts : 495

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Apr 15, 2008 1:38 am

@Flameria
buntis kasi ung girl kaya niya pinakasalan., b16 tama ba?.,

@Levantine
kamusta ka naman?.,haha!.,di ka na nagpaparamdam!.,baka nabaliw ka na sa real world.,
pw14 pw1

@Blue
di toh story ni Jeyn.,hahaha!., pw1

kakaiyak talaga toh.,grrr.,
Back to top Go down
Chris
The Guardian
avatar

Posts : 85

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Apr 15, 2008 1:51 am

Syet! Tinamaan ako dun ah... *Teary eyes while taking calls* m2 Amfs
Jeyn may isa ka sakin dahil pinaluha mo ko pw8

Pero grabe... Tangengot kasi yung babae... Amf...
Yan ang mahirap pag masyadong maarte... Haayyy...
Imbes na panalo na naging luha't muta pa...

Para sa babae: ayan sige unahin mo project mo... magpakasal ka ngayon at makipag-do ka sa project mo... pw8 pw8 pw8 pw8
Back to top Go down
Jeyn
Administrator
avatar

Posts : 1640

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Apr 15, 2008 6:05 pm

Blue wrote:

dont worry nanditu naman kami

family mu ditu sa sanctius

heheh nakikinig lang and ready to support you always.... pw42 pw42 pw42 b25 b25 b25

Thank You b8 kahit di sa akin nangyari yan

Chris wrote:

Jeyn may isa ka sakin dahil pinaluha mo ko pw8

waaaaaaaaaaaaaaa~ @__@

__________________________________________
Back to top Go down
allenby
The Watcher
avatar

Posts : 6

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Wed Apr 16, 2008 10:10 pm

I was beginning to regret having worn my favorite red off- shoulder blouse and pleated skirt inside the movie house because I was shivering in the cold.

But I took the huge risk because I knew perfectly how my favorite pair of clothing will impress my boyfriend. He loved it whenever I showed a little more skin but if and only if he was with me. I love how he compliments me - he never fails to make me feel as if I was the most beautiful woman on earth.

The movie hasn't begun, and the cold was already enveloping us. We found good premiere seats. His hand was holding mine. The feeling of having him all to myself in the dark tickled me. It didn't occur to me that he was smelling the side of my neck as he murmured, "Bango naman ng Baby koI love you! " Another smile curled my lips. "Wala bang I love you too?" He teased. So I answered back, "I love you too, Baby."

After a few subtle kisses on the cheek, his cellphone beeped. He quickly checked who it was and buried his eyes on the message. I saw him reply to the text as if he was being chased after.

"Uy, bili ako ng food gusto mo? Kelangan ko narin kasing mag-load, may kelangan akong reply-an. Limang piso nalang yata laman nito." He whispered "La akong bulsa, By. Hawakan mo muna 'tong cell, baka mawala ko lang. You know how careless I am." I nodded and kept the phone safely in my hands. He slightly pinched my cheek, said I love you again under his breath, and took off.

The movie still hasn't started. I closed my eyes and gave a hearty yawn. I almost fell asleep when I felt his phone vibrate violently. The name Michelle was blinking. Who's Michelle? I thought to myself. Even before I could press accept, the phone stopped vibrating and displayed 1 missed call. The message icon was also blinking meaning Michael's inbox was full. I had to delete old messages to pave way for incoming texts. So I did. Five messages came in immediately, all of which were from "Michelle." Without hesitation, I opened them one by one.

Ha?! Anong wg muna ako text? Kelangan natin mgusap ngyn na! Nsan kb kc? Can I text you na? Text moko if coast is clear. R u still with her?

I felt my heart do a somersault in complete confusion. What did the messages mean? Who was that HER Michael was still with? I felt cold sweat forming around my forehead and nose. I took a deep breath. So I pretended to be Michael and replied casually to the text messages.

She replied in a matter of seconds.

O, baket ka ba text ng text? May problema ba? Musta?

Hi Mike!!! Ano ng balita sayo? Baket ngayon ka lang nagreply? Kanina pako nagpaparamdam!

Kasama mo pa ba si Shayne?

I thought I was just stabbed right in the chest when I saw my name in Michelle's text message, but I continued replying with Michael's phone.

Oo, bumili lang ako ng food. Iniwan ko si Shayne sa loob ng sinehan. Baket ba kasi?

Di mo pa kasi iwan yang babaeng yan eh tee hee!!

Love, tuloy ba tayo bukas?

Ah? Ewan ko, ikaw ang bahala. San ba tayo bukas?

Diba sabi mo pupunta tayo ng Laguna?

Ako nagsabi nun? Ah oo nga pala, I promised you that. Eh ano bang plano mo?

Ano? Ikaw nga ang nagplano eh! Baket parang binabalik mo sakin ang tanong? Nakalimutan mo na ba? 4 months na tayo bukas! Dapat astig ang out-of-town natin! Swimming tayo siguro tapos dinner... Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin,
love!

I lay motionless. The movie began. I felt my head spin violently - my vision was now blurred because of the big teardrops gathering in my eyes. But I blinked them away and replied as fast as I could. I knew Michael was on his way back to the cinema any minute now.

Oo sige na basta sabihin mo yun ang gagawin natin! Ang bilis ng panahon noh 4 months na tayo. Parang kelan lang... O sige pano ba ang plano bukas? Sabihin mo sakin ang nasa isip mo HONEY

Hmmm... Basta bring your car nalang! Tawagan moko sa bahay tonight so we can talk ha? Love you lots! Mwah mwah! (smiley face)

I tried to reply I love you too, but the phone displayed Check Operator Services.

The whole world must've stopped before my very eyes. There was nothing more I could feel except
for the tears rolling down my cheeks and the freeze that was now killing me inch by inch. I stared at the big screen while my thoughts drifted away; I couldn't find the right words to describe how I felt that moment. Images of another girl and my Baby deeply in love with each other flashed in my head.

And all this time, I was sharing Michael with someone else That all this time, there was another woman whom he had his right arm around The tears were all coming out now. I know people around me were already staring, but I was no longer thinking rational. Emptiness devoured me that instant From a distance I noticed a familiar face walking up the stairs towards my seat. I cleared my throat, cleaned my face, and took several deep breaths. Michael was on his way to our seats at the center bunk.

"I love you, Baby!" Michael kissed me on the nose.

"Sensha na! Tagal ko noh! Dami kasi nakapila dun sa binilhan ko Sensha na, sensha na..." He put down the plastic bags and held my hand tight. He kissed me softly on the lips and whispered passionately, "I love you Shayne! I love you Baby ko..."

I didn't have the strength to answer back. He went on.

"Oo nga pala, simula bukas, may fieldwork kami.

Baka next week na ang balik ko. Hindi ko pa sure kung saan yung site, so baka walang signal dun.

But I'll try texting you whenever I can, ok? I love you, Baby ko!"

I wanted to shout at him, scream at the top of my lungs, but no sound came out. I couldn't make myself say anything. I turned mute my body was as numb as ever.

"O? Wala na naman bang I love you too dyan?

Dapat lagi kang nag-I-I love you too!" He laughed.

I felt something vibrating on my lap again. It was Michael's phone - another text message. Michael saw it blinking and immediately read the message at a distance. But I was able to read what it said:

Kelan ka pa natuto mgtext in small letters? (smiley face) tsaka baket honey na ang twag mo sakin?

Hindi na ba love? Bago na ba? (smiley face)

There was a long, long awkward pause. I thought the world has just stopped revolving. My lips were sealed and the tears were already flowing freely ; I could no longer control them. Michael looked straight at me, with his jaw half open. His eyes were round and bigger than usual, full of questions and fear. We just stared at each other, not knowing
what to say. I felt the whole world sink and disappear, leaving only the two of us alone in the dark. After a few seconds of silence that felt like forever, I swallowed the big lump in my throat with all my strength and bitterly whispered...

I love you too, baby ko..
Back to top Go down
Levantine
The Navigator
avatar

Posts : 57

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Thu Apr 17, 2008 11:22 pm

This story really hit me... hard... haha but nothing to cry over...

@Jhaemhie

Mhie kung alam mo lang, may klase ba kayo ngayong summer?? nakakainis, halos di na ako magkandaugaga sa review center... ang hirap talaga feeling ko di ko kakayanin ang board exam, sinabayan kasi ng maraming pressure... sana ipagdasal niyo ako...


PS: promise maglalaro ako sa 19 ng 9AM-1PM... magpapalvl lang ako saglit... haha pw22
Back to top Go down
Jhaemhie
The Obtruncator
avatar

Posts : 495

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Fri Apr 18, 2008 12:56 am

ouch...

@Levantine
aww.,wawa naman kuya levs., o43 dun wuri.,ill pray for you.,goodluck po sa board exam., pw4
Back to top Go down
Jeyn
Administrator
avatar

Posts : 1640

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Fri Apr 18, 2008 5:03 pm

sakit~ ouch~ b16

__________________________________________
Back to top Go down
Feoghel
The Master
avatar

Posts : 222

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Fri Apr 18, 2008 7:26 pm

WOW...grabe ang mga kwento ninyo ha... pw22 pw22 pw22 pw22

ako rin nga makapaglagay.
Back to top Go down
Blue
The Master
avatar

Posts : 175

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Apr 21, 2008 3:06 am

let's put some EMO mode in this thread...................

let say na magpasalamat na lang tayu at naging parte sila ng buhay natin

sa saya at hirap kahit sandali ay nakasama natin ang mga taong masasabi mahalaga sa buhay natin......

di man natin sigurado ang kahahantungan ......

naging masaya naman tayu sa mga araw na nagdaan na

lumipas kasama ang masasabing only one...

who always makes you comfortable.....

share tears...

pero.....................................................

kung dumating ang oras

na kinakailangang mamili

(sabihin nating may masasaktan at talagang masakit )

walang sinuman ang may hawak ng buhay ....

lalo na ang puso ng sinuman......

kaya kung talagang mahal mu siya

igalang na lang ang gagawin decision........

sacrifice na lang ............. di ko sinabing maging martir

oo madadapa tayu at maari pa na magkaroon

ng isang malaking sugat

pero handa tayung bumangon uli at mag umpisa uli

at alam natin na hihilom ang bawat sugat

kahit gaano pa ito kalalim

ay gagaling at gagaling din sa

pag lipas ng panahon......

malay natin na hindi talaga siya ang tinadhana ng nasa taas para satin.....

may mas karapatdapat na kung sinu man ang taong magmamahal sa iyo

ng higit pa sa binigay ng nauna mong pag ibig......

handang magmahal at tanggapin ang nakaraan natin

_____________________________________________________________________________

at sa oras na malampasan mu na ang

hirap na napagdaan

at di sinasadyang magkatagpo sa isang lugar

malay mu baka tawanan niyu na lang dalawa ang nangyari...at maging magkaibigan na lang..........

o kaya kung kayo talaga

ay ipagpatuloy niyu na ang nasirang pag mamahalan..........

at handang mag umpisa uli..............

GUYS...........

eto na lang ang huling bagay na masasabi ko.......................

MASARAP MAG MAHAL AT MAHALIN NG TAONG MAHAL NATIN.........................

hope you like this song.... STILL



ClanMates ..........

hoping kahit papanu ay nakatulong ako kahit sa ganito man lang.....
Back to top Go down
Jhaemhie
The Obtruncator
avatar

Posts : 495

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Apr 22, 2008 11:01 am

oh my god...blue-chan...i really can relate with this song... o43

- - SHARE - -


i remember the time that when my ex and i really came to the point that
we thought we're breaking up...i really called him and cried to him
that i dont want to let him go...but in the end...no matter how you
work things out but the situation really shows the both of you that
there's nothing you can do anymore...so we decided to let go of each
other...we need some breathing space...but the good thing is...we're
still friends though...and still missing that love that he gave me...

that's all.,
pw14
Back to top Go down
jammyx
The Annihilator
avatar

Posts : 1069

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Jun 22, 2009 3:59 pm

hahalungkatin ko ulit huh!
pero ang lungkot ng story
and as usual...deny to death ulit c jeyn
na d nangyari sa kanya yan hahaha
Back to top Go down
Jeyn
Administrator
avatar

Posts : 1640

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Mon Jun 22, 2009 7:10 pm

same dun sa isa

di akin to :(

__________________________________________
Back to top Go down
jammyx
The Annihilator
avatar

Posts : 1069

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Jun 23, 2009 5:07 pm

wahahahahaha ayos mga story na toh ah!!!
sana mangyari ulit sa real life mo toh jeyn!!hhehehehe
Back to top Go down
redeemer
The Annihilator
avatar

Posts : 915

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Tue Jun 23, 2009 7:49 pm

pw36 bad ka paul
Back to top Go down
jammyx
The Annihilator
avatar

Posts : 1069

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Wed Jun 24, 2009 1:58 pm

wak po wak po!!! T_________________T
ayos nmn ung story dba!!
Back to top Go down
worthless
The Navigator
avatar

Posts : 54

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Wed Jul 22, 2009 1:51 pm

Jeyn same kau nung nabasa kong booklet galing sa Emilio Aguinaldo Collge... bak kau yun yung nasa kwento?
wahahahahahah!!! b45 b45 b45 b45 b45 b19 b19 b19 b19

well wether wether lng yan ganyan tlga buhay... m1
Back to top Go down
Jeyn
Administrator
avatar

Posts : 1640

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Wed Jul 22, 2009 1:53 pm

Hindi po akin story yan Worth

Jeyn wrote:
Note: di po ako gumawa nito... nabasa ko lang sa isang school magazine :D

__________________________________________
Back to top Go down
jammyx
The Annihilator
avatar

Posts : 1069

PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   Thu Jul 23, 2009 3:53 pm

cge na nga....
hehehehehehe
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Sobrang Na Inlove Ako   

Back to top Go down
 
Sobrang Na Inlove Ako
Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Sanctius Clan :: Artist's Block :: Sanctius' Art Gallery-
Jump to: