Sanctius Clan
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Perfect World Philippines Clan
 
HomeLatest imagesRegisterLog in
Rest in Peace kayuzavee

 

 Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist

Go down 
AuthorMessage
Jeyn
Administrator
Jeyn


Posts : 1640

Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist Empty
PostSubject: Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist   Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist EmptySat Aug 08, 2009 1:54 am

Titulo: Kwento ko ikukwento mo

Habang naglalakbay si SteelWing sa himpapawid naalala niya nuong unang panahon na marami pa silang mga kasamang diyosa. Sa kanyang pagmumuni hindi niya napansin na nakarating na siya sa pinaka dulo ng mundo. Tumaas ang balahibo sa batok niya at pakiramdam niya may nagmamasid sa kanya.

Lumabas ka alam ko nandiyan ka kung sino ka man!” sigaw ni SteelWing".

May mga naririnig siyang tumatawa at parang inaakit siya sa isang kweba. Pumasok siya at may napansin siyang tatlong babaeng nakahiga at nahihimbing. Tumahimik siya. Nakikilala niya ang mga nakahiga. Ito ang mga diyosa na sa pagkakaalala niya nagbuwis ng kanilang mga buhay upang maging ligtas ang mundo. Sina MeiShen, SkyeMist at FelMaiden.

Lumapit si SteelWing sa mga nahihimbing na diyosa. Hinawi niya ang kanyang kamay. Lumusot ang kanyang kamay sa katawan ni MeiShen at FelMaiden ngunit nahahawakan na nya si SkyeMist.

Bigla siyang binalutan ng kaba at kagalakan. Kaba dahil alam niyang meron pa ring nagmamasid sa kanya at hindi niya malaman pa kung sino. Kagalakan dahil nakita na niya kung nasaan ang mga diyosa.

“Kailangan malaman ito ng ibang mga diyos.” naisip ni SteelWing.

Palabas na ng kweba si SteelWing nang may magpakita sa kanyang harapan. Si…



Mga Kasali: Kahit sinong manlalaro

Kahabaan: Ika 8 hanggang 9 ng Agosto sa taong 2009

Patnubay:
• Ituloy ang kwento ko at magbigay ng sitwasyon na kung saan babalik na sa mundo si SkyeMist. Maaring magdagdag ng kwentong pag-ibig o labanan o kahit ano.
• Ang inyong kwento ay dapat nasa wikang Filipino dahil ito ay isang pagdiriwang sa Buwan ng Wika
• Kayo na ang bahala kung magkakaron ng kalaban na halimaw na sa kwento
• Hindi dapat lalampas sa 500 salita. Pwedeng maikli ngunit hindi pwedeng sosobra.
• Maari kayong magdagdag ng litrato para pangsuporta sa ang iyong kwento.
• Matatapos ang kontes sa pagdating ng ika 9 Agosto sa oras na 11:59 ng gabi.

Ang Paghuhusga ay batay sa mga Sumusunod:

Pagkamalikhain (40%) – Pano mo naisabuhay ang kwento?
Malasakit sa sitwasyon (40%) – May kaugnayan ba ang kwento mo sa kwento ko?
Pagtatanghal ng kwento (20%) – Mayroon bang isang pangkalahatang ideya at maayos ba ang pagkakapresenta nito?

Mga Alituntunin:

• Maaring magbigay ng maraming kwento ang isang manlalaro.
• Dapat mayroong nakalagay na impormasyon tungkol manlalaro ang bawat kwento. Kailangan nandoon ang pangalan sa laro (IGM) at ang serber ng kanyang laro (server).
• Isang beses lamang maaaring manalo ang isang manlalaro.
• 1 manlalaro = 1 pangalan dito as porum
• Ang desisyon ng mga GM ay hindi na maaaring ibago.

Mga Premyo:

Unang premyo: 1 Lvl 11 Mist Soulstone
Ikalawang premyo: 3 Lvl 9 Mist Soulstone
Ikatlong premyo: 3 Lvl 8 Mist Soulstone
Aliw premyo: 3 Lvl 7 Mist Soulstone

Pagbibigay ng premyo:
Ipaaalam na lamang

DISKUSYON

Dito ituloy ang kwento

Source:
Phil. Perfect World Board
- ShuTin


Last edited by Jeyn on Mon Aug 10, 2009 9:47 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
Jeyn
Administrator
Jeyn


Posts : 1640

Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist Empty
PostSubject: Re: Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist   Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist EmptyMon Aug 10, 2009 9:45 pm

ShuTin wrote:
Opening thread again

Kahabaan: Hanggang 14 ng Agosto sa taong 2009

Pagbibigay ng premyo:
Ika 14 ng Agosto sa taong 2009 sa ganap na 9 ng gabi.
Back to top Go down
 
Kwento Ko Ikukwento Mo, Ang pagbabalik ng SkyeMist
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Sanctius Clan :: Perfect World :: PW PH Announcement :: Forum Events-
Jump to: