Perfect World Philippines Clan
 
HomeFAQRegisterLog in
Rest in Peace kayuzavee

Share
 

 Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi

Go down 
AuthorMessage
Mr.Drimboi
The Master
Mr.Drimboi

Posts : 207

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyTue Aug 11, 2009 5:20 pm

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi - 1st Part

Mr.DrimBoi..Mr.DrimBoi..anu kaya ang nasa isip mo?

MrDrimBoi sa PW - Lvl75 onwards
Rikki sa Pasig, sa mga kaybigan, sa mga barkada, pati sa bahay
Researcher & Encoder sa First World Philippines (minimum lng, minsan ala pang meryenda, madalas titigan at kwentuhan, swerte na kung may tawanan..)

Hindi ako makata upang gumawa ng tula..
Hindi ako maalino para maintindihan mga pinag-aralan nyo..
Hidi ako mayaman, pero hindi rin ako mahirap...
Sumubok lang akong gumawa ng maiksing tula para masabi ko ang aking pangarap..

Sa apat na linyang yan, inabot ako ng mga 3oras para isipin yan,,bubu ee^^…sabi ng karamihan sa OL games na nilalaro ko, spammer dw ako, iba naman propeta dw me>.< sabi nmn ng mga barkada ko trashtalker dw(may pinagkaiba ba un sa spammer?)

Natanung q tului sa sarili ko, meron ba talaga – kahit isang tao na nakakakilala sa’kin??? Ikaw ba naman kausapin ako ee,, akala m seryoso nko pero nagbibiro pla tpos nagseseryoso nko biro prin pla nasa icp ng iba…kaya tului naicp q..wala nga talagang nakakakilala sa sarili ko kundi ako lng..OO ako lang talaga!..kahit mga magulang ko tingin ko hindi nila makuha kung panu ako mag-isip(kung meron nga).

Nung bata ako, minulat ako ng tatay ko sa musika, hindi sa pagkalabit ng kwerdas ng gitara o sa pag-ihip ng torotot ni bentot..kundi sa pakikinig nito. Madalas niyang patugtugin nuon ang mga awitin ng Beegees, Bread, Engelbert, Mat Monro, Frank Sinatra, The Platters, Air Supply. Pati sa local hindi xa nagpahuli, meron xang Victor Wood, Eddie Peregrina, at maging c Fred Panopio dinamay na rin ng tatay ko sa trip nya…napakaganda ng mga musika pla nuon..hanggang sa hinanap q nrin ang sarili kong musika. At dahil nga sa impluwensya ng aking ama, nakilala ko ang Beatles. Ilan sa mga paborito kong kanta nila ang The Long & Winding Road, Let it be, Something, Here comes the sun, You’ve Got to hide your love away chaka ung pamatay na Here, there & Everywhere^^, atbp. Sama mu na rin c Jackson, ang kanyang Heal the world, will you be there, you are not alone, we are the world, man in the mirror..i’ll be there..

Nung addicted ako sa mga songs na to, bigla kong natanung sa isip ko, bakit naghiwahiwalay ang mga mgagaling na bandang ito?(Jackson 5 & The Beatles) una sa Jackson 5..although ndi q na tlga nahanap ang unay na sagot – xe pag niresearch q,,maaaring ndi na galing un kay Michael – in short, chika n lng jorva..ganun din sa Beatles, kay Lennon.

Hanggang sa paulit-ulit ko na lang pinakinngan ang mga kanta nila nung nagsolo na sila, nabanggit ko na nga kanina ung kay Jacko, ung kay Lennon nmn ung kanyang obra na ‘Imagine’…habang ninanamnam q ang bawat linya at salita ng kantang ‘to,,,napaisip ulit ako..’uu nga nuh..wat if ganun nga na walang relihiyon? Walang dahilan para magkawatak-watak tau pagdating sa mga paniniwala at pamahiin..wat if walang mga bansa, tpos ang tawag sa lahat ng lupa e United States of Earth? At bandang huli, andun din ang sagot – ‘And the World will be/live as One’. Ganito ang tumatakbo sa isip ko lagi lagi..mula nun lagi ko ng nakikita ang mundo na pawatak ng pawatak,,anjan na ang kahirapan, problema na tau rin nmn ang may gawa tpos cchin ang Diyos..Sabi nmn ng iba pagsubok dw, iba nmn kaloob dw…anu ba talaga? Nagkaroon ako ng dilemma <--(tama ba spelling?) sa paniniwala. Andaming nagsulputan, Born Again, Kristyano, Katoliko, Muslim, Iglesia ni Kristo, atbp. Isinilang na akong katoliko pero ni hindi ako nakumbinsi ng relihiyon ko na maniwala dito. Ayokong magbasa ng bibliya dahil naniniwala ako na ang ibang parte ng bibliya ay hindi na totoo.

Hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo sa edad na 25 taon sa kadahilanang ang kuya ko muna ang pinaunang makatpos..nagkaroon ako ng pagkakataong makapagtrabaho sa pinag-ojt-han kong kumpanya…at ng sila’y gumawa ng dibisyon upang tutukan ang isang bagay, sinama nila ako..shempre..oper un ee..

Sa pagttrabaho ko, lagi parin tumatakbo sa isip ko ang mga tanong ko sa buhay, mga tanong na kahit kelan wala paring makasagot, walang mahusay na tao na makapagpaliwanag kung ano ba talaga at sino ba talaga ang Diyos at bakit ganito na ang mundo natin?

Hanggang sa dinala ako ng kaisipang ito sa taong sa trabaho ko rin pla makikilala. Unang-una hindi xa pari, ndi propeta, ndi xa ministro o kahit na anu pa mang pusisyon na alagad ng simbahan, tao rin xa xmpre, pero ang pagpapakilala niya ay si Rolando N. Quintos sa mundo, pero kagaya ko, at kagaya mo na bumabasa nito, siya ay Anak Ng Dyos, yun ang pagkakasabi niya.napatitig ako sa kanya,,sa loob loob q, gagu b 2? Isa xang siyantipiko. Sa daming beses ko nang binasa ang kahulugan ng agham sa diksyunaryo, wala talagang nakasaad dun na ang relihiyon at syiensya ay pwedeng magkaisa, pero hindi kinukundena ng siyensya ang ispiritwal na paniniwala. Kaya naging hamon sa’kin na makilala ang may pinakamataas na pusisyon sa aming kumpanya.

Unang-una niyang itinuro samin ang salitang kamatayan. Tinanung niya ako, ‘Ricky, naniniwala ka bang may namamatay?’ isang madiin na sagot na OPO! Ang katawan ng tao, un ang namamatay, pero ang ispiritu, hindi, umaakyat ito sa langit, minsan nga narereincarnate pa ee.. sa tagal ko ng paniniwalang ganun e sabihan ba naman ako na mali!
Wala raw namamatay?? Nanlaki mata ko, alam m ung holen? Ipitin m ng daliri mu un tas alisin m ung holen, ganun nanlaki mata ko, om kaya dalawang daliri m ipitin m ng hintuturo mu at ung thumb m..sabi ko sa kanya, cge nga po paliwanag m…at buti n lng uto-uto xa, pinaliwanag nmn base sa siyenxa..

Explanation:
Ang katawan natin ay may spirit, spirit na nagbibigay enerhiya sa ‘tin para magisip, enerhiya para manatiling buhay ang mga organs natin sa katawan, yan ang isipiritu ng Dyos dahil ikaw, tulad ko ay parte ng Panginoon, lahat tau parte nya. Ngayon, ang katawan natin ay binubuo ng kung anu-anong mineral na galling sa Earth. Anjan ang oxygen, hydrogen, magnesium, carbon dioxide atbp..ngayon pag ang ispiritu natin na dating galling sa Panginoon at bumalik sa Panginoon, anu ang maiiwan? Yung katawan, yung katawan na dati ring galing sa Earth na bumalik din sa Earth..so cnung namatay??ano bang ibig sabihin ng namatay? Nawala! Anu ba yung nawala? Annihilate..na-wipe out…cnung nawala? Wala diba? Lahat bumalik lang kung saan nagmula…

Sabi ko tuloy sa sarili ko..gagu nga 2…xe 22o,,sabi niya,,malalaman mo lang ang katotohanan base sa bunga, magtanim ka ng mangga bubunga bang santol? Malabo pre’
Back to top Go down
vice
The Navigator
vice

Posts : 50

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyWed Aug 12, 2009 12:16 am

epistaxis tol,...
Back to top Go down
Goddess Maharet
Administrator
Goddess Maharet

Posts : 1163

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyWed Aug 12, 2009 1:26 pm

When do we see the second part?

__________________________________________
I love you. That's all there is to it.

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Benjma11
Back to top Go down
Mr.Drimboi
The Master
Mr.Drimboi

Posts : 207

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyWed Aug 12, 2009 3:05 pm

xnxa na kau sa mga maling spelling like maalino dapat un matalino...my defect xe ung letter t d2 sa keyboard q sa opis ee>.< chaka ung galling suppose 2 be single L lang po un...sowee ulitT_T
Back to top Go down
vice
The Navigator
vice

Posts : 50

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyWed Aug 12, 2009 3:07 pm

oo nga no,..my 2nd pa pla,...

d ko npansin,..hehe
Back to top Go down
Mr.Drimboi
The Master
Mr.Drimboi

Posts : 207

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi - 2nd part   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyWed Aug 12, 2009 4:58 pm

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi - 2nd Part

Mr.DrimBoi,,Mr.DrimBoi,,Anu kaya ang nasa isip mo?

Hahayz….tpus na ang tanghaliang preno(lunchbreak)…matapos mag-yosi kasama ang IT technician namin..balik uli sa trabaho…encode, research,,edit…materials na….

Natutuwa ako sa response ni Vice at ni Lentot…^^,xe sinubukan q lang talagang magkwento & gumawa ng article…and since na kumakalap pako ng inspirations to do the second part…I’ll just share yung iba pang mga thoughts na itinuro sakin during my training days d2 sa First World Phils. Ni RNQ..
(by the way…this is not Religion ok?..this is pure Science)

Matapos akong tanungin sa kamatayan…tinanung nya naman ako about sa History ng mundo….

‘Ricky, anu pagkakaalam mo sa pinagmulan ng mundo natin pati ng tao?....Syempre napaisip ako…

Sabi ko…marami po…anjan ung kay Charles darwin, ung kay eba’t adan, tpos ung Dyos natin ang may gawa ng Earth na nuon sabi niya ‘If there’s no light, let there be light…then nagka-araw…same as those who follows such as night, plants, animals, human, wind, clouds, sky, etc….

Sabihan ba naman ako na mxdong magulo ang konsepto ko sa history??..../omg

Sa loob loob ko…bakit? Anu ba’ng alam mu sa History???
Then sinabi ko sa kanya…o sige po anu naman po ung sa inyo???

Pero bago nya sinagot ung tanung kong yun…may shinare sya sakin na kwento..actually pelikula dw ‘to ee…ung “The Prodigal Son”.

Istorya xa ng isang anak ng hari..so mining prinsipe xa..xe kung babae, prinsesa,,,panu kung juding???prinsi????...prinsi condom???ahehi…

Nwei…yung kwentong un e tungkol sa prinsipe na sabi nya sa hari…
‘Ama ko, napakasarap po d2 sa palasyo nyo,,,lahat ng sarap and2…wala akong nagiging kakulangan..lahat po walanghangganan…walang kabaligtaran ung mga magagandang pakiramdam…d po ako nalulungkot, di po ako naghihirap, ndi ako nagkakasakit…lahat masarap…pero kayo po ang nsusunod d2 ee…kayo ang bida d2 ee..bakit ndi nyo po ako hayaang dumiskarte ng sa sarili ko…gusto ko pong maranasan yung buhay na ako ang nagpapatakbo…na ako yung nasusunod at ndi kayo…

Then pinagbigyan xa, sabi ng Hari, kung iyan ang nais mo Anak, iyan ang ibibigay ko sa ‘yo…

So lumabas ng palasyo ang prinsipe…lahat dinanas nya…hirap, gutom, sakit, pagod, luha, pawis, at lahat ng kahirapan na ppwedeng maramdaman….tpos dumating ung tym na nagsawa na xa…napagod…
Sabi niya sa sarili niya…auq na…babalik nako sa palasyo….duon ndi ganto buhay ko,,,ndi ako nakararanas ng mga gan2ng pait sa buhay…then tinahak niya ang landas pauwi sa piling ng kanyang Ama……at sa kanyang pagbabalik…mula sa tarangkahan naghihintay ang kanyang Ama, bukas-palad xang tinanggap muli at cnabing..
“Anak, pagbabalik mo lang ang inaantay ko. Halika rito at lumapit sa akin nang gamutin ko ng pagmamahal ang mga sugat na idinulot sa’yo ng mundo”.

Nung ikinuwento ‘yan sakin…sabi ko sa sarili ko, maganda ‘yung kwento pero bakit nya ikinuwento?....tpos sabi nia, alam mu rikki, parang ganyan din ang kwento natin…

Nuon, lahat tayo ay ispirito,,,lahat tayo ay nasa piling ng Panginoon…lahat ng walanghangganang kaligayahan, pagmamahal, kasaganahan, abundansya, kapayapaan ay nararanasan natin…subalit,,,sinabi natin sa Panginoon na…Panginoon, Oo nga po’ Masaya dito…pero kayo po ang nasusunod d2 ee..bakit d po kayo gumawa ng lugar na kami ang mamamahala??? Na kami ang magpapatakbo???...nung mabuo ang kaisipan na ‘yun – na karamihan na sa mga ispirito ganun na ang nais – nagkaroon ng sinasabing ‘Big Bang’…mula sa walanghangganan which is ung kalawakan…nagkaroon ng mga galaxies…planets…at nagkaroon ng Earth…at mula sa Earth, nagkaroon ng mga tiny particles at nabuo ang life beings…human, animals, plant, rock, lava, soil, air, water, air life, etc…tpos nagkaroon ng mga evolutions…so ‘tong mundong ito, TAYO ang may gawa nito, ginusto natin ito. Ito ang ating Prodigal Adventure…pagbabalik lang natin ang inaantay niya…ndi pagbabalik sa loob niya….

So tinanung ko c RNQ…edi totoo ‘yung theory ni Charles Darwin na ang human being e nagmula sa unggoy???...then sabi nya..OO!!!!..nagulat ako..ha????talaga???sabi ko…e kung ganun e bakit wala taung buntot???sabi nya anu ka???meron ah….alam m ung dulo ng spinal cord mu????kapain mu un at may masasalat ka run na parang maliit na buto…un yon…during evolutions kaya un nawawala…alam m ba ang tawag sa latest na tao ngaun???sabi ko homo sapiens!!!!sabi nya…hinde…..homo sapiens sapiens…aw…inulit lang ung last word…pero nung tignan q sa dictionary yung meaning ng homo sapiens e…homo means man..sapiens means wise, knowledge…kaya yung tawag na sa tao ngayon e homo sapiens sapiens dahil ang tao ay mas matalino na ngayon…naisip ko…oo nga nuh..may point xa….kinapa ko yung dulo ng spinal cord ko…amp…meron nga takte….kaya pala may mga tao parin na similar sa physical appearance ng monkey…meron din naman na mga pngahan…yung mga jaw man…

So sabi ko panu kayo nakasisigurado na totoo nga ‘yang mga iyan…tpos sabi nya – isang madiin na – ‘Alam mo Ricky, Science ‘to eh…alam mo kagandahan sa Science is proven by evidence at hindi sa kung anu-anong mga kuro-kuro lang na sabi ng kung sino sinong mga tao na wala namang maipakitang katibayan…

Awtz….anu toh???bakit ganto nararamdaman ko?...laha ng mga tanung ko nuon eto yung sagot na hinahanap ko…at base nga sa mga ebidenxa…totoo…letse!!!!!...

At ndi pa dun natapos ang tanung niya…sa sumunod na tanung nya, lalo pang tumibay ang paniniwala kong totoo nga…nang tanungin niya ako kung anu ba ang dahilan ba’t ipinako sa krus si Hesus.

Sinagot ko yon ulad ng karaniwang sagot na ipinalalaganap sa simbahan ng katoliko…
“syempre para tubusin po tau sa lahat ng ating mga kasalanan”

Sabihan ba naman akong mali na naman!!!

Sabi ko e anu po ba ang dahilan???...sabi nya sakin dib a sabi ko sa’yo na malalaman mu lang ang katotohanan base sa bunga…by the fruits that it bears you shall know them…know the truth, and the truth will set you free!...

Aw…e anu pong dahilan or purpose ni Hesus at ng crucifiction??

Sabi nya…nang mapagdesisyunan na ipapako si Hesus sa krus, alam ni Hesus yun…p’pwede nyang takasan yun pero ginusto nya yun…which is kung pag-iisipan e totoo nga naman…pwede nyang takasan yun…pwede nyang pagalingin ang sarili nyang sugat habang pasan pasan ang napakabigat na krus..pero ginawa nya yun para sa dalawang napakaimportanteng bagay…

Una: ang salitang Ressurection…
Sabi nya…ako papatayin nyo? Hindi ako mamatay dahil walang kamatayan…mabubuhay akong muli…then anung nangyari???after three days nabuhay nga syang muli…

Pangalawa: ang salitang kapatawaran (forgiveness)
Habang nakapako sya sa krus anung mga kataga ang binigkas nya?
“Father forgive them, for they not know what they’re doing”.
Then anu ipinakita ng Panginoon sa’tin? Kapatawaran….

Know the truth and the truth will set you free…’yang mga itinuturo sau ng simbahan na magsakripisyo ka dahil si Hesus ay nagsakripisyo din..isang malaking kamalian yan….

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o pagtawanan ko sya pero ng maisip ko nga na uu nga naman, kung tutuusin pwede talagang takasan ni Hesus yun, chaka di nya sinabi na xa na ang magiging sakripisyo or hindi sinabi ng Panginoon na mga Anak magsakripisyo kayo at ‘pag ginawa nyo ‘to maliligayahan Ako…

At base din sa pagreresearch ko,,,delikado nga ang sacrifice…xe unang una pinipigilan mu ang energy ng iyong kaligayahan for the sake ng iba…nwawala yung energy na dapat magfflow sa katawan m..anung cause??stress…anung cause ng stress pag sumobra???cancer….w/c is nangyare sa nanay ko…naintindihan ko na ang lahat kung bakit ganun…nasagot yung tanung ko dati na bakit sa dinami dami ng tao, nanay ko pa ang nagka-cancer….sabihin na nating andun yung dahil sa lahi nila…pero bakit ndi nya nagawang malampasan yun samantalang yung iba e survivor???naintindihan ko sa pagoobserba sa nanay ko…maxado xang stress sa buhay…lagi xang aburido…lagi xang nagiisip ng kung anu-anung problema…pero ndi ko xa sinisisi…dahil sabi nga ni RNQ…walang problema o pagsubok na ibinibigay ang Dyos…dahil kung ‘yan ang Dyos na pinaniniwalaan mu…poot ang mananaig sa puso mu…

Wag na wag mung hahatiin sa dalawa ang paniniwala mu sa isang bagay…kung mapagmahal ang Diyos, wag maniniwala sa selos, kung kaligayahan ang Dyos, wag kang maniniwala sa kalungkutan…iwaglit sa isipan ang positive - negative cycle…dahil kung ‘yan ang pinaniniwalaan mu, ang buhay mu is most probably a life of probability…patsamba tsamba…cara y cruz…tao – ibon….

God is only one…if there is Satan, then God is just an illusion…because Satan do what God can’t…eh ang Dyos kaya ang lahat ee…kaya lang tau nakakagawa ng mga masasama dahil ang umiiral sa’tin ay ang Ego natin which means Edging God Out (EGO)….lagi mu lang iisipin na Anak Ka Ng Dyos…at ang kapwa mu ay ganun din…so bakit ako ggwa ng alam ko na ikasasama ng kapwa ko…pag sya nasaktan…para ko narin sinaktan ang sarili ko at ang Dyos….

Hahayz…..kapagod na magtype….remember guyz…this is just only my thoughts….wala po akong pakialam sa mga paniniwala nyo…that is your personal relationship between You and God…this is just a scientific explanation of how God created Us and also the world….

***part 3 puh nid some inspirations to do it^^,***

‘gratz ulit Vice & Vayie^^

Tnx maha^^

***Long live Sanctius***

-Mr.DrimBoi-
Back to top Go down
Gem
Administrator
Gem

Posts : 1449

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyThu Aug 13, 2009 7:48 am

I like your writing style.
na-antig pa ko leche.
Back to top Go down
DarthLee
The Navigator
DarthLee

Posts : 78

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyThu Aug 13, 2009 10:59 am

Napaka-banayad ng flow ng iyong thoughts, Mr. Drimboi, hindi ko namalayan na mahaba pala ang binasa ko haha. Thanks for sharing this. pw14
Back to top Go down
Mr.Drimboi
The Master
Mr.Drimboi

Posts : 207

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyThu Aug 13, 2009 2:35 pm

well actually ndi q talaga expected na ganyan magiging reactions niu...
chaka in the first place, all i want is to share lang naman this knowledge eh...
na hindi tinuro sakin sa paaralan, sa tahanan, at maging sa simbahan....
di ko alam na ppwede pla akong maging writer>.<


Thanks DarthLee & Gem...

at sa lahat ng bumasa nito^^,

***Long Live Sanctius***

-Mr.DrimBoi-
Back to top Go down
vice
The Navigator
vice

Posts : 50

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptySat Aug 15, 2009 2:29 am

mumg binasa ko 2,...

aun,...

d ko pa rn lubos maisip na tau ay espiritu,...na my higher being nga,...mmmmmmmmmmmmmmmmm

ung mga proof ng religion e,...non,..kumbinsing,..

sarap tlga ng mang inasal,...solb!!!!!,..

hahahahahhaahhaha
Back to top Go down
redeemer
The Annihilator
redeemer

Posts : 915

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptySat Aug 15, 2009 6:34 pm

Mr.Drimboi wrote:
Hanggang sa dinala ako ng kaisipang ito sa taong sa trabaho ko rin pla makikilala. Unang-una hindi xa pari, ndi propeta, ndi xa ministro o kahit na anu pa mang pusisyon na alagad ng simbahan, tao rin xa xmpre, pero ang pagpapakilala niya ay si Rolando N. Quintos sa mundo, pero kagaya ko, at kagaya mo na bumabasa nito, siya ay Anak Ng Dyos, yun ang pagkakasabi niya.napatitig ako sa kanya,,sa loob loob q, gagu b 2? Isa xang siyantipiko. Sa daming beses ko nang binasa ang kahulugan ng agham sa diksyunaryo, wala talagang nakasaad dun na ang relihiyon at syiensya ay pwedeng magkaisa, pero hindi kinukundena ng siyensya ang ispiritwal na paniniwala. Kaya naging hamon sa’kin na makilala ang may pinakamataas na pusisyon sa aming kumpanya.

Unang-una niyang itinuro samin ang salitang kamatayan. Tinanung niya ako, ‘Ricky, naniniwala ka bang may namamatay?’ isang madiin na sagot na OPO! Ang katawan ng tao, un ang namamatay, pero ang ispiritu, hindi, umaakyat ito sa langit, minsan nga narereincarnate pa ee.. sa tagal ko ng paniniwalang ganun e sabihan ba naman ako na mali!
Wala raw namamatay?? Nanlaki mata ko, alam m ung holen? Ipitin m ng daliri mu un tas alisin m ung holen, ganun nanlaki mata ko, om kaya dalawang daliri m ipitin m ng hintuturo mu at ung thumb m..sabi ko sa kanya, cge nga po paliwanag m…at buti n lng uto-uto xa, pinaliwanag nmn base sa siyenxa..

Explanation:
Ang katawan natin ay may spirit, spirit na nagbibigay enerhiya sa ‘tin para magisip, enerhiya para manatiling buhay ang mga organs natin sa katawan, yan ang isipiritu ng Dyos dahil ikaw, tulad ko ay parte ng Panginoon, lahat tau parte nya. Ngayon, ang katawan natin ay binubuo ng kung anu-anong mineral na galling sa Earth. Anjan ang oxygen, hydrogen, magnesium, carbon dioxide atbp..ngayon pag ang ispiritu natin na dating galling sa Panginoon at bumalik sa Panginoon, anu ang maiiwan? Yung katawan, yung katawan na dati ring galing sa Earth na bumalik din sa Earth..so cnung namatay??ano bang ibig sabihin ng namatay? Nawala! Anu ba yung nawala? Annihilate..na-wipe out…cnung nawala? Wala diba? Lahat bumalik lang kung saan nagmula…

Sabi ko tuloy sa sarili ko..gagu nga 2…xe 22o,,sabi niya,,malalaman mo lang ang katotohanan base sa bunga, magtanim ka ng mangga bubunga bang santol? Malabo pre’


wtf?hahahahaha gusto ko xa maging kaibigan hahahah
Back to top Go down
Mr.Drimboi
The Master
Mr.Drimboi

Posts : 207

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi - Final Part   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi EmptyWed Aug 26, 2009 3:19 pm

Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi - Final Part

12:59am
August 21, 2009
Grand Regal Hotel, Davao City

As I stare at the window, having a zip of Marlboro red, drinking Red Horse in can, I was wondrin’ how was the clan going on?
How’s NFC going on?
How’s Naizra?
Does she miss my PM’s?

Well, I remember what I’ve read while we are on the plane. The book was entitled “Think Big and Kick Asses” by Donald J. Trump and Bill Zanker.

In that book said that in order for you to be successful in life, the secret is follow your truest heart desires so I put up this inspirations in a couple of sheets of paper. By the way, I am in the same Hotel where last time we’ve conducted a seminar, my mother leaves her mortal body and return to God where we all came from – Rest With GOD Mother, we’ll surely miss’ your physical presence – Thank You!

To conclude this first article which is “Kung Ano ba Talaga Ang Nasa Isip ng Isang Mr.DrimBoi”, eto po talaga ang nasa isip ko.

Si ricky – isang normalna bata – na naimpluwensyahan ng kanta ni John Lennon na Imagine.

“You may say I’m a DREAMER, but I’m not the only one.
I hope someday you’ll join US, and the world will be as ONE.”

And the advice of Donald Trump & Bill Zanker,
“Don’t be a DREAMER, be a DOER.” I want to combine those two thoughts that contradicts each one. I am now a DREAMER and making my move to be a REAL DOER. And I hope someday ALL of us will join this revolution to see the world as ONE again – as we are in Heaven before.

Can you imagine what is our life before the Spaniard colonizers came to our country?....Yes, picture that on your mind….Infinite Peace, Happiness, Joy, Love, Prosperity, Progress, Health, Abundance and so forth – that is the Heaven on Earth .

And I think this is Destiny. Because when I graduated at high school and start to discover and understand the world by my own, we are in deep crisis. Then I start dreaming. Then after a long period of time, my thoughts brought me to Perfect World. And just in an instant, as fast as inspiration pass by, it came to my mind to create a character that as similar as Jesus Christ’s Physical Appearance. And named it Mr.DrimBoi. Because I’m a dreamer. Then, again by destiny, my thoughts brought me to first world Philippines. A company which is dedicated to change the Philippines as a Best World Country as soon as possible in a business manner. And here, I’ve met God, not by seeing Him physically but by introducing Him by the evidence of Science.

Here, at the office. Not in our home, not in our churches, not in our school.
But here, in our office where evidence is proven,
Where doubts turns into infinite faith,
Where hatred turns into infinite love
Where injury turns into infinite pardon and forgiveness
Where despair turns into infinite hope
Where darkness turns into infinite light
Where sickness turns into infinite health, harmony & strength
Where death turns into infinite life, love & happiness
Where sadness & misery turns into infinite gladness, joy, & peace

This is what I am!!!!...this is the life that I mostly daydream of during my collage days…this is what I fight for and I’m sure this is what I’m worth for!!..
I know, deep within your heart, there is a voice….I know……because like me, you are also created by God…and this is what our soul is longing for…many many years passed by….because of our colonizers..because of our adaptation to their cultures…because of our being unfocus to our own cultureand pay attention to the new one…..we’ve created “Hell on Earth.”

I may not be successful when it comes to profession but I’m sure, I will be successful when it comes to fulfillment…trust me..I am guided by the Infinite Creator…We All can do this simple manifestation….

Kaya lang xa humuhirap gawin dahil kokonti lang ang may gustonggumawa…lahat OO!...eto nga gustong mangyari…pero nawawala na pagdating sa gawa….hindi to kakayanin ng aming maliit na dibisyon sa kumpanya…kelangan namin ng mga kasama…

As what Jesus Christ said 2000 years ago…
“Thy Kingdom Come,
Thy Will Be Done On Earth As It Is In Heaven.”

AS IT IS IN HEAVEN!!!...

What does this mean?
It is simply means that what’s happening on Heaven right now must be manifest NOW, must realize NOW….Jesus Christ did not success in this mission, so why not in our time? Now! Why not Now? What is the thing that blocks our way towards realizing Heaven on Earth? What?

Remember what God taught to Lennon, “All We Need Is Love,” Love is Happiness…Purely Infinite Happiness…

Thank You for reading my articles. Criticsms, objections, corrections, opinions are All welcome..I love you all..as what Jesus Christ said…

“I love you, as the Father loves me….
Love one another as I Love You!!...”



Mr.DrimBoi



***Sanctius – My Sanctuary***


***Long Live Sanctius***

Edit: Merged Post.
- Jeyn
Back to top Go down
Sponsored content




Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty
PostSubject: Re: Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi   Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi Empty

Back to top Go down
 
Kung Ano Ba Talaga Ang Nasa Isip Ng Isang Mr.DrimBoi
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Sanctius Clan :: Artist's Block :: Sanctius' Art Gallery-
Jump to: